Pages

Monday, July 6, 2015

Election

Palapit ng palapit ang araw ng halalan sa atin bansa, kaya ang mga politiko sa atin bansa ay kanya kanya ng gawa ng pangalan, nagpapapoge, nagsisiraan sa harap ng madla. inyong mapapansin ang pamolitiko ng mga kalaban gagawin ang lahat ng paraan mawalis lang ang mga sagabal sa kanilang mga pangarap na makamit ang mga posisyon na kanilang ninanais, halimbawa na rito ang mga nababasa at napapanuod natin sa telebisyon at mga dyaryo. na ang bise presidente ng pilipinas ay maraming kinita (kickback) sa mga proyekto nya nuong sya diumano ay mayor pa ng lungsod ng makati. maging ang kanilang buong pamilya ay inisa isa na pinaratangan na malaki ang anomalya na kinasasangkutan korapyon. Ang kanilang mga kalaban sa politiko ay hindi tumitigil upang sirain, wasakin ang kanilang pangalan sa pobliko, bagamat sila ay malaki ang posibilidad na gumawa ng korapyon sa kanilang mga posisyon sa gobyerno. ganun din naman ang mga taong nagpaparatang sa kanila ay hindi rin naman nagtataglay ng magandang reputasyon, isipin nyo nlang nalang ang kanilang nagawa sa panahon ng kalamidad sa leyte na libo libong kababayan natina ang sinalanta ng bagyo at ano ang pa ang masaklap na sinapit ng mga biktima, sila nilinlang ng mga taong nakaupo sa gobyerno na dapat sana ay tutulong sa ating mga kababayan, ngunit nagawa pa nilang nakawin ang mga donasyon na ibininigay ng ibat ibang bansa. ang tanong asan na ang mga pera na yun? maaring magamit yun sa pondo sa politika.

Sino ba ang mga maaring tatakbo sa pagka- pangulo ng bansa, atin suriin ang reputasyon ng mga bawat isa.

BINAY - Nasasangkot sa korapyon milyon milyon o bilyon bilyon ang sinasabing kinita sa mga proyekto sa kangyang lungsond na nasasakupan at marami pang-iba.

Roxas -  Sira din sa taong bayan dahil sobrang pamomolitika, epal nagiging Traffic aid, Kargador, nagmomotor ng walang helmet at nasira din dahil kakulangan sa pagbibigay tulong sa nga nasalanta ng bagyong yolanda, at meron din sikat na bersyon sa pagtulong, "REMMEMBER YOU ARE RUMUALDEZ AND THE PRESIDENT IS AQUINO" sukatan na pala yun bago tumulong sa mga kababayan na nasalanta.

Grace Poe - Hindi pa hinog kung sa prutas, Nanalo dahil sikat and Ama na isang magaling na aktor ng pelikulang filipino, wala pang napapatunayan na nagawa sa gobyerna puro lang ibestigasyon ngunit walang aksyon para mabigyan ng ginhawa at hustisya ang mga mamayan

Trillanes - Puro lang porma sa senado, wala pa din naiambag na pagbabago sa gobyerno, sikat sa pag-rerebelyon sa gobyerno, 

Marcos Jr. - Anak ng bayani ng pilipinas, maganda ang pamamalakad sa gobyerno, pinag-aaralan mabuti bago magpasa ng batas o resolosyon at hinaharap ang masa upang malaman ang saloobin sa mga batas o resolosyon na gustong ipatupad. 

Duterte - Palaban, kilalang magaling magdisiplina, subok na makamasa, magaling mag-patupad ng batas hindi teka-teka. pinapangalagaan ang kapakananan ng mamayan. at sikat at nagiging paborito ng masa.

yan po ay ilan lamang sa mga nagawa nila at napatunayan, sa bandang huli tayo parin mga mamayan ang magdidisiyon kung sino ang ating ihahalal sa atin parin nakasalalay ang kanilang mga posisyon at ang pagganda at pag-unland ng ating bansa.