Pages

Sunday, April 17, 2016

Ang Aral ng Pagbabawal sa Pag-aasawa sa hindi kaanib sa IGLESIA NI CRISTO

Ang Aral ng Pagbabawal sa Pag-aasawa sa Pag-aasawa sa loob ng

IGLESIA NI CRISTO 


Tanong?

Bakit ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay Pinag-babawalan na mag-asawa sa hindi kaanib sa Iglesia?

Sagot.

Ang lahat ng doktrina at mga sinasagawa sa loob ng Iglesia ni Cristo ay nakabatay sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Ang pagbabawal hingil sa mga kaanib sa mga Iglesia ni Cristo na mag asawa ng hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo ay maliwanag na itinuturo ng biblia. Ang Panginoon Diyos sa pamamagitan ng mga Apostol ay maliwang na pinag-babawalan ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na mag-asawa ng hindi kapanampalataya. Ganito ang ipinahayag ni Apostol Pablo:

Sa talatang 2 corinto 6:14-15 Huwag kayong makipamatok ng mga kabilan sa mga di nagsisimpalataya: sapagkat anong pakikisama mayroo ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong Pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?"

Ano ba ang Kahulugan ng sinasabi ng Banal na kasulatan o ng Biblia na MAKIPAMATOK"? Ang Salitang 'MAKIPAMATOK" ay pinaliwanag ng isang Paring Katoliko na isang dalubwika na si Juan Trinidad sa Footnote bg bibliang kaniyang sinalin "BAGONG TIPANG", ang kaniyang paliwanag sa kahulugan ng "MAKIPAMATOK":

"6,14: MAKIPAMATOK: ang tinutukoy ay ang PAG-AASAWA..." ( footenote Bagong Tipan isinalin sa wikang Pambansa ni P. Juan Trinidad, SJ)

Maliwanag na ang salitang "MAKIPAMATOK" ay nangangahulugan ng "PAG-AASAWA". Samakatuwid, Ipinagbabawal ng Diyos sa pamamagitan ngmga Apostol "ANG PAGBABAWAL SA PAG-AASAWA SA MGA HINDI KAPANANAMPALATAYA O HINDI KAANIB SA IGLESIA" mga taong HINDI SUMASAMPALATAYA sa mga aral ng Iglesia. Tunghayan din natin ang maging sa salitang Ingles na KING JAMES VERSION:

In 2 Corinthians 6: 14-15 " Do not be unequally yoked together with unbeliever: for what fellowship hath righteousness with unrighteousness?  what what communion hath light with darkness? And what concord hath Christ with belial? or what part hath he that believeth with an infedel?" King James Version

Ano ba ang kahulugan ng salitang "YOKE". ayon sa Mirriam Webter Dictionary ang salitang "YOKE" ay tumutukoy din sa "PAG-AASAWA" o "MARRIAGE":

YOKE- a (1) : an oppressive agency (2) sevitude, bondage
b: tie; link; especially : Marriage
Source: Merriam-Webster Dictionary

Kaya sa salin ng isang Bible Scholar na si George Lamsa, sa LAMSA TRANSLATION ganito ang kanyang pagkakasalin:

In 2 Corinthians 6:14-15 Do not unite in marriage with unbeliever; for what fellowship has righteousness with iniquity? Or What minglinghas light with darkness? Or what accord hass Christ with Satan? Or what portion has a believer with an unbeliever?" Lamsa Translation

Tunay a inutos ng Diyos sa pamamagitan ng mga Apostol ang ang pagbabawala sa PAG-AASAWA sa mga taong hindi sumasampalataya sa aral sa loob ng Iglesia.(2 Corinto 14-15), Maliwanag na pinayuhan ni Apostol Pablo ang mg a kristiano na " Do not unite in marriage with unbeliever" (huwag makipag-isa sa pag-aasawa sa mga hindi kapanampalataya). Binanggit din ni Apostol Pablo ang mga dahilan kung bakit ito ipinagbabawal. Dagdag niya:

1 Corinto 6: 14-16 "Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano kaugnayan ng sumasampalatay sa di sumasampalataya?
O ang Diyos sa mga diyus-duyosan? Hindi Ba't tayo ang templo tayo ang mga Templo, kayo ang Templo. ng Diyos na Buhay? Siya rin ang magsasabi, "Mananahan ako at mammuhay sa piling nila. Ako ang Magiging Diyos nila, at sila'y Magiging bayan ko." Bagong Magandang Balita

Sinabi ni Apostol Pablo na " Maaari bang magsama ang katwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman?" sinabi din niya na "ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa hindi sumasampalataya?" O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan?? Hindi ba't tayo ang templo tayo ang mga templo, Kayo ang templo. ng Diyos ng buhay?" Kaya ang Pagbabawal sa mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo sa pag-aasawa sa mga hindi kapananampalataya ay hindi utos na gawa ng Tao. Ito ay utos na binigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga Apostol na itinuro sa mga kaanib ng Iglesia. Gayunpaman ang Pagbabawal ng Pag-aasawa sa mga taong hindi kabilang sa bayan ng Diyos ay hindi isang bagong utos. Ito ay Iniutos Pa ng Diyos sa Panahon pa ng Patriuyarka o ng mga Magulang (Genesis 6: 1-3) hanggang sa panahon ng Bayan Israel:

Deuteronomio 7: 2-3 "At pagka sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Diyos, at iyo sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; Huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagkakaitan ng kaawan sila:
Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-asawahin sa inyong anak na lalake." 


Mahigpit na pinagbabawalan ng Diyos ang bayang Israel na "huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni magaasawa sa kanilang". Bakit  mahigpit na pinagbawan ng  Diyos ang kaniyang bayam sa pag-aasawa sa  mga taong hindi kabilang sa kaniyang bayan? Gaano ba kasama na ang kaniyang mga lingkod ay makipag-tipan at mag-asawa sa taong hindi kabilang sa kaniyang mga lingkod o sa kaniyang bayan?

Deuteronomio 7: 2-4 "At pagkat sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Diyos, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:
Ni magaasawa sa kanila: ang iyong anak na babae ay huwag mong pag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-asawahin sa iyong anak na lalake.
Sapagkat kanyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila ay maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin ang kadiliman."

Sinabi ng Diyos na ang pag-aasawa sa mga taong hindi kabilang sa kaniyang bayan, ay maghihiwalay sa kanila sa  pagsunod at sa kaniya at "sila ay maglilingkod sa ibang dios" ng mga larawan inanyuan, mga rebulto na itiuring diyos na iba sa tunay na Diyos. Na ang mga ito ay karumal-dumal at karima-rimarin sa paningin ng Diyos. Ang mga taong kabilang sa kaniyang bayan at nag-aasawa ng mga taong hindi kabilang sa kaniyang bayan ay pagaalabin ang galit ng Diyos. Ano ang itinuring sa kanila ng Diyos?

Hebreo 10:27 "Wala nang natitira kundi ang nakapangingilabot na paghihintay sa darating: ang pahuhukom at ang nangangalit na apoy na tutupok sa mga kalaban ng Diyos!" Magandang Balita

Sila ay itinuturing ng Diyos na mga KALABAN, dahil sa pag-aasawa nila sa mga taong hindi kabilang sa kaniyang bayan. Kaya., ang isang kaanib ng Iglesia ni Cristo na lumabag sa kautusanhg ito ay tinitiwalag sa Iglesia dahil sa kaniyang ginawa ang MALAKING KASAMAAN laban sa Diyos:

Nehemias 13:27,26 "Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaan ito, na sumasalangsang  laban sa atin Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa?
Hindi ba nagkasala si Solomon na hari sa israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyan Dios, at ginawa siya hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinagkakasala rin ng mga babaing taga ibang lupa."

Kaya, ang pagababawal ng Iglesia ni Cristo sa mga kaanib na mag-asawa sa mga hindi kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo ay kautusan na ibinigay ng Diyos. Ang pag-aasawa sa hindi kapananampalataya ay isang MALAKING KASALANAN. Hindi ipinagbabawal ng Iglesia ni Cristo ang mag-asawa, ang bawal ay kung ano ang pinag-uutos ng Diyos, Ang pagbabawal sa Pag-aasawa sa mga hindi kabilang sa kaniyang bayan. Sa panahon Cristiano ba ay may tinuturing ba ang Diyos na kaniyan bayan?

1 Pedro 2: 9-10 "Datapwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing Pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumatawag sa inyo mula sa kadiliman. hanggang sa kanayang kagilagilalas na kaliwanagan:
Na nang nakaraang panahaon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit  ng awa, datapuwa't ngayo'y bayan ng Diyos: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa."

Malinaw na pinahayag ni Apostol Pedro na ang mga Cristiano ay itinuturing ng Diyos na kaniyang bansang banal ay BAYANG  kaninyang pag-aari. Ayon pa kay Apostol Pedro na ang mga kabilang sa bayan ng Diyos ay tinawag mula sa KADILIMAN at nailapit sa kagilagilalas na KALIWANAGAN ang tinutukoy na kung saan nalipat ang mga taong napabilang sa bayan ng Diyos?

Colosas 1:12-14 "Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan; Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig:" Na siyang kinaroroonan ng atin katubusan, na siyang kapatawaran:"

Ang mga taong niligtas sa kapangyarihan ng KADILIMAN ay inilipat sa BANAL NA KALIWANAGAN na ito ay ang KAHARIAN NG ANAK na kinaroroonan ng KATUBUSAN na siyang kapatawaran ng kasalanan. Ano ba ang tinutukoy na KAHARIAN NG ANAK NA KINAROROONAN NG KATUBUSAN na dito napapabilang ang mga tunay na Cristiano na itinuring ng Diyos na kaniyang BAYAN?

Act 20:28 "Take heed therefore to yourselves and to the flock over which the holy Spirit Has appointed you overseers, to feed  the Church of Christ which he has purchased with his blood." Lamsa Translation  

Sa Wikang Filipino:

Gawa 20: 28 " Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang mga buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Esperitu Santo upang maging mga katiwala, upang pagkanin ang IGLESIA NI CRISTO  na binili niya ng kanyang dugo."

Ang IGLESIA NI CRISTO ang kaharian ng anak na tinubos o binili niya ng kaniyang dugo, ito ang BAYAN NG DIYOS sa panahon Cristiano. hindi kailaman ipinabawal sa loob ng Iglesia ni Cristo ang pag-aasawa sa mga kaanib, ang UTOS ng Diyos ay huwag MAKIPAMATOK o MAG-AASAWA sa mga hindi kapananampalataya, hindi kabilang sa bayan ng Diyos, hindi kaanib ng Iglesia ni Cristo.