Snatcher ang babae na ito |
Sobrang na Dismaya si ate sa Batas natin sa Pilipinas kaya pala malakas loob ng mga snatcher ito ang kanyang post sa facebook inyong basahin.
August 5, 2016. 8:30 PM. Papunta ako ng office para sa
meeting, sumakay ako ng jeep pacity hall. I was wearing headset ng bigla na
lang akong sinipa ng katapat ko (yung babae sa picture). Dahil naka headset
ako, I wasn't able to hear what she said. Akala ko nagstreching lang sya dahil
she's pregnant at tinamaan lang nya ako by accident. Nasa pocket ng hoodie ko
yung phone ko at nung pababa na binunot ko na yung headset then she suddenly
jumped to me trying to snatch my phone and other belongings. At dahil palaban
ang instinct ng ate nyo nakipagagawan ako sa kanya. Dahil sa buntis sya, more
or less 7 to 8 months, medyo hirap na syang kumilos at naagaw ko agad ung phone
at bag ko. Agad namang hininto ni manong driver yung jeep sa may enforcer.
Akala ko tapos ng kalbaryo ko pero mas nakakainis pa pala yung mga susunod na
mangyayari.
Medyo maraming enforcers around the area since choke
point yun ng traffic so I started to feel safe pero nung nagrereklamo na 'ko at
nagkukuwento na ng nangyari napansin ko na parang hindi ganun kaseryoso yung
mga enforcers. They were asking irrelevant questions like miss san ka nakatira.
May asawa ka na ba? Gano katagal ka na sa work mo? Anong oras shift mo and
papasok ka pa ba? Like wtf sirs bat hindi pa kayo tumawag ng rerespondeng
pulis. I started to get pissed off nung tinanong nila ako ng paulit ulit kung
itutuloy ko raw bang sampahan ng kaso or kung patatawarin na lang. I was like
'hellloooo are you out of your mind people alangan namang nakikipagfriends lang
ako kaya tumambay ako dito sa outpost nyo.' Si ate nagyosi pa. Nainip yata sa
mga pulis. May bantay syang tatlong enforcer na nakikiyosi na rin. Anak ng
tokwa, nakipag tropa pa ata mga ugok. Finally, nagradyo na sila sa isang
presinto para nagpadala ng police mobile. Pero wtf ulit! The incident happened
around 8:30 and the mobile arrived after roughly two hours. I was thinking na
kaladkarin na yung babae sa police station kasi it's causing too much hassle.
Nung dumating kami sa station 9 pakwento ulit ng nangyari
after nun tinanong ako ng pulis kung itutuloy ko raw bang kasuhan. Sabi ko
syempre oo. Mga 2 o 3 pulis nagtanong sakin sa station 9 at srsly hindi ko
maintindihan kung ano gusto nilang mangyari sa paulit ulit nilang pagtatanong.
Gagawa na sana ako ng statement ng tinanong ulit ni manong pulis kung san yung
exact place of incident. Sabi ko sa circle po gantong street blah blah moving
po kasi yung jeep kaya estimated place lang po alam ko. Sabi nya, ay ma'am
hindi po pala namin sakop yan. Lipat po kayo sa station 10. Napaputang ina na
lang talaga ako dahil pati jurisdiction hindi kabisado nung mga nagradyo sa
presinto. So sakay nanaman kami sa mobile nung babae. Balak ata nila manong
pulis na gawin kaming close e.
Sa station 10 tinanong ulit ako ng 2 pulis kung sure na
itutuloy ko yung pagsasampa ng kaso. Sabi ko oo. Nagpaabala na ko e iaatras ko
pa ba. May attitude rin si ateng snatcher kasi sabi ko ate d ka na nahiya
buntis ka pa. Ipakukulong talaga kita. Sabi nya HINDI AKO TAKOT. Pinamedical si
ateng snatcher maybe because buntis sya. At tinanong nila kung may kalmot daw
ba ko and all sabi ko wala naman. Hindi nya ko nasaktan except sa pagkakasipa
niya. Hindi naman pala kasi libre yung medical e snatcher nga si ate sa kanya
ko pa ba pababayaran. Naiwan ako sa police station para gumawa ng sworn
statement habang si ateng snatcher pinamedical. After more or less one hour,
tumawag yung pulis na nagescort kay ateng snatcher, hindi daw maimemedical kasi
ayaw tanggapin ng ospital ng walang pangalan e ayaw daw talagang magsalita ng
info nya. Sobrang naasar lang ako sa imbestigador kasi tinanong nya anong model
at magkano cellphone ko. Sabi ko Asus Zenfone 2 po blah blah bigla nyang sinabi
Ma'am kailangan pong isurrender sakin yung phone as evidence. Sabi ko, Sir kasi
yung bag ko rin po kinuha nya kasama rin po ba yun. Sabi nya, yung bag po pwede
nyo na pong iuwi pero kung cellphone po iiwan po saka kung sinubukan rin pong
kunin yung wallet nyo pati po yung laman and cash iiwan po. Kelangan po kasing
picturan na kita yung serial number blah blah. Daming sinabi ni manong at
ngayon ko lang nagets bakit ilang pulis nagtanong kung itutuloy ko. Kasi
sobraaaaang abala! Parang naholdap na rin ako sa presinto kung itutuloy ko kasi
kukunin rin pala. Tinanong ko kung kelan makukuha ulit kasi decided talaga
akong kasuhan si ateng snatcher sabi nya (pulis) after po ng mga hearing and
all, it would take a year or two. Pwede rin pong irequest sa judge na sa inyo
mapupunta custody ng cellphone pero ilang linggo pa po yun. Juicecolored! Sa
tagal ng justice system sa Pinas baka obsolete na cellphone ko hindi ko pa
nababawi e wala pang isang taon 'to. Bigla nya akong tinanong ulit kung
itutuloy ko pa. Napasecond thought na 'ko. Being a graduate of PolSci mahalaga
sakin ang hustisya. Naniniwala ako na kaya nandyan ang batas para maparusahan
ang may sala at hindi parang eskwelahan na paghaharapin lang sa guidance office
e okay na. Kaya pala nasabi ni ateng snatcher na hindi sya takot kasi alam nya
na ganto yung mangyayari. Walang tao ang maguubos ng ilang buwan o taon para
lang umattend ng hearing at isurrender ang pinaghirapan nilang cell phone at
pera.
Source: Facebook Post of Juenesse Myrtle