Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin nakikibaka ang mga kasama nating mga Overseas Filipino Workers na tinatawag nating mga buhay na bayani. Patuloy parin na hindi binibigyan ng pansin ng ating pamahalaan ang mga hinanaing ng mga buhay na bayani at bagkos ay parang ang ating gobyerno pa ang nagdagdag sa mga pasakit na nararanasan ng mga ito, sa paghahanap buhay sa iba't ibang malalayong bansa.
Nakakainis, nakakaasar, nakakabwisit, at nakakapanghina ang mga sukli na ibinibigay ng ating pamahalaan at dapat sana'y nagpoprotekta ng ating mga karapatan ngunit sila pa ang tila sumisikil sa ating mga karapatan. Nakakahiya ang gobyerno lalo na ang pamamalakad ng General Manager ng MIAA na si Honarable (diumano) Jose Angel Honrado.
***credit to the owner of this photo
Ipinagpipilitan ni Mr. Honrado ang paniningil ng Terminal Fee sa kabila ng meron tayong batas na nagsasabi na ang mga buhay na bayani ay libre o exempted sa pagbabayad nito.
Sa R.A. 8042, as amended by R.A., 10022, Department of Labor and Employment that overseas Filipino Workers are exempted by law from travel tax, documentary stamp, and airport fee. Ngunit ang palusot ni Mr. Honrado ay meron naman daw refund. Sobrang nakakainis ang scam style ni Mr. Honrado, kung ganun pala ay bakit ka pa maniningil ng terminal fee kung irerefund mo din naman daw sa airport. Bakit mo pa bibigyan ng malaking abala ang mga buhay na bayani na gustong makauwi na at makita ang kanilang pamilya?
MR. HONRADO, YAN BA ANG NATUTUNAN MO SA PAGIGING MILITAR MO? ANG GUSTO MONG MANGYARI AY ISANG MALINAW NA KORAPSYON! MAHIYA KA NAMAN SA MGA TAO, SA PAMILYA MO, SA KAIBIGAN MO, AT HIGIT SA LAHAT SA PANGINOONG DIYOS. ANG KAPAL NG MUKHA MO!!
No comments:
Post a Comment