Pages

Tuesday, July 5, 2016

Laban sa Droga at Kriminalidad

Laban sa Droga at Kriminalidad


Kung inyo pong napansin mula ng maupo ang Bagong Presidente ng Pilipinas na si Rodrigo ‘Digong’ Duterte ay biglang naging aktibo sa pag-trabaho ang mga sangay ng gobyerno lalo na ang kapulisan, sa kanilang pagtupad ng kanilang tungkulin ngunit marami pa rin ang hindi naniniwala na sa kanilang pag- papakitang gilas para maging mabango ang kanilang pangalan sa presidente. Ayun sa sa ibang komentaryo ng ibang pahayagan ang kadalasan lamang na kanilang nahuhuli at napapatay ay yun mga ordinaryong mamayan o yung mga drug users o pushers. Nakakalungkot sapagkat kapwa Pilipino ang napapatay o nabibiktima ng bawal na gamot.

Nabuhay muli ang pag-asa ng mga mamamayan nang tumakbo sa pagka-presidente ang Ama ng siyudad ng Davao mula sa katimugan ng Pilipinas. Si Mayor Rody “Digong” Duterte ay kilala sa ibat-ibang katawagan tulad ng “Dirty Harry”, “The Punisher”, at di umano ay meron sariling grupo na tinatawag na DDS- Davao Death Squad. Ngunit ito'y kanyang pinabolaanan. Ang kanyang bayang nasasakupan ay talaga naman mahal na mahal siya ng mga tao dito, kilala ang bayan ng Davao na Disiplinadong siyudad sa buong pilipinas.

Congratulations sa ating New President “Digong” Rodrigo Roa Duterte! Siya ang sigaw ng taong bayan para sa tunay na pagbabago. Ngunit maraming hahadlang sa ating president, ito nga ay nagsisilitawan na gaya ng mga Padre Damaso sa ating bagong lipunan sila yung mga pare ng simbahan katoliko, gaya ng CBCP na walang ginawa ay magtuligsa sa bagong halal na presidente. Sila yun tinatawag ni presidente na mga impokrito. Sabi pa nga ni Presidente sa isang panayam sa kanya “pagtabi-tabihin mo kami ng mga bishop na yan lahat kami ay hindi maliligtas”. Ang sarap pakingan at napaka- prangka ng ating presidente, sila yun mga kasangkapan ni satanas na protector ng mga Druglord, at mga corrupt na politiko. Nariyan din ang CHR- Commission on Human Rights na sa halip na inosenteng mga biktima ang bigyan ng protection ay yun pang mga gumawa ng pagkakasala ang kanilang tinutulungan. Tama ang sabi ng Presidente Digong mga BOBO sila. 

Narito din ang isa sa lumalason sa isipan ng mga mamayan ang MEDIA gaya ng bias na pagbabalita ng ABS-CBN network sila yun tunay na banta sa lipunan. Sana dumating ang panahon na maayus, walang kinikilingan na media ang mapapanuod natin sa darating pang panahon.


Sa pag-sugpo ng kriminalidad at droga sana ang mga mahuli na ay yung mga "Big Fish" at hindi yung mga biktima na kapwa natin Filipino. Alam naman natin na lahat nang mga Chinese national ng mga malalaking isda ng Droga, sana sila yun makulong mapatay dahil kung inyong papansinin sila yun naging dominante sa ating bansa. Ang mga Filipino ay ginagawa nilang trabahador lamang sa sarili nating bansa. Ang Pilipinas ay kanilang sinisira at winawasak. Inyong pansinin na halos ang mga mining companies sa ating bansa ay pag-aari ng mga Chinese, winasak nila ang kalikasan at pati na rin ang bawat Filipino ay kanilang winawasak sa pamamagitan ng Droga. Ninanais nilang masakop ang pilipinas.

No comments:

Post a Comment