Pages

Wednesday, August 10, 2016

Scum Sa Kalusugan - Dr. Willy Ong



Kilala nyo ba si Dr. Willie Ong?, isang doctor sa Pilipinas na tumutulong sa mga mahihirap, napaka-bait ng Doctor na ito sa katunayan ay marami na siyang natulong at patuloy na tumutulong sa atin kapos palad na mamayan. Marahil ay hindi na niya kayang tiisin ang bulok na sistema sa kagawaran ng kalusugan kung kayat kanyang ibinahagi sa kanyang facebook post ang mga maling sistema na nagpapahirap sa atin mga kapos palad na mamayan, ang sistemang ito ay namana pa di umano sa nag-daan administrasyon Aquino. Narito ang kanyang pahayag basahin po natin at ishare upang maka-abot sa kaalaman ng ating butihin at mahal na Pangulong Duterte.


SCAM sa KALUSUGAN

Paki-SHARE para mabago Ng DUTERTE Government

KAWAWA talaga ang MAYSAKIT at MAHIRAP. Pera ng BAYAN sa Mayaman at Private Case Napunta.

Mula sa ISANG Government DOCTOR (Na ITINAGO natin ang PANGALAN)
Karamihan sa aking mga pasyente ay nangangailangan ng humigit-kumulang Php5000 kada araw para sa kanilang mga gamot. Nag-ti-tyaga silang pumila sa mga tanggapang maaaring hingan ng tulong kabilang na ang SENADO AT KONGRESO para sa PDAF/Pondo. Kadalasan, pinababalik pa sila makaraan ang ilang araw o ilang linggo para makuha ang hinihinging assistance. Php1000...Php2000.... Minsan nga Php300...Php500 lamang ang ibinibigay. Bihira lamang ang mas malaking halaga. Kaya nakalulungkot at nakakagalit isipin na kung sino pa ang talagang mga nangangailangan ay sila pang kakarampot lamang ang tinatamasa. Mayroon namang parang inilalaan lamang ang kanilang PDAF sa mga kamag-anak, kaibigan o kapartido sa pulitika! Iisang pasyente lang pero Php20,000, Php40,000, Php80,000 o higit pa.. Minsan buong bill pa ang sinasagot ng PDAF samantalang mga nasa pribadong duktor at magagarang kwarto ng ospital naman nakaadmit o nagkukonsulta!

Mayroon din naman na panay ang "Medical Mission" kuno, na ginagamit ang PDAF sa pagkuha ng mga gamot sa ospital.. Medical Mission daw pero puro Myra E, lesofat etc. ang mga kinukuhang gamot! Mayroon din namang tinitipid ang paggamit ng PDAF at kung kailang malapit na ang eleksyon ay saka ipapamudmod! Halatang-halata na ginagamit ito sa pagkuha ng boto!



Noong nakaraang 2014, pinalitan kuno ng administrasyong Aquino ang sistema ng pagamit ng pondo. Inilagay kunwari sa Department of Health Ang pondo ng mga senador at kongresista. Ang DOH na umano ang mamamahagi nito sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong. Isang MALAKING KASINUNGALINGAN po iyan. Dahil bagaman may tatak ng DOH ang mga guarantee letters na hawak ng mga pasyente, sa mga opisina pa din ng mga kongresista at senador ito nagmumula. At sila pa din ang may kontrol sa halagang ibibigay! Walang pinagbago! May halong pamumulitika pa din dahil tulad noon, mga mayayaman at private patients pa din ang may malalaking natatanggap samantalang kakarampot ang ibinibigay sa mga indigent patients!

Maaari nyo itong i-verify sa mga hospital na pinagdadalhan ng mga referrals or Guarantee letter tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney & Transplant Institute, Lung Center of the Philippines at iba pa. Etong mga ospital na ito ay may "charity or service wards" at private rooms. Malalaman nyo sa kanila na higit na nakikinabang ang mga pasyente na nasa private rooms/ suite at deluxe rooms sa mga pondong ito. Sila ang nagtatamasa ng malalaking halagang tulong kaysa sa mga nasa charity or service wards. Minsan nga ay naglalagay lamang ng pondo ang isang legislator dahil may magpapa-admit syang kakilala, kamag-anak o kaibigan. Isang gamit lang ng pondo nya, Ubos! Yan ang kalalakaran sa nakaraang administrasyong Aquino.


Kung hindi nais ng pamahalaan at ng mga mambabatas na buwagin ang PDAF, nararapat lamang na ito ay ilaan sa tunay na mga nangangailangan! Ibigay ito sa mga may sakit na walang kakayahang magpagamot! Sa mga mahihirap na walang kakayahang mag-aral! Sa mga walang tahanan! Sa mga walang trabaho at walang makain! Nawa ay mapagtuunan ito ng pansin ng Duterte administrasyon.



Source: Dr. Willie Ong's Health Tips





No comments:

Post a Comment