Pages

Friday, February 14, 2020

BABAENG PASAHERO NANAPAK NG LALAKING PASEHERO DAHIL LANG TININGNAN! - Facebook Viral

Meron na naman bagong viral video na kumakalat sa facebook basahin ang post ni Ash Lee sa ibaba.

Guys, minsan lang ako mag-post ng ganito.. Please help me find justice para kay Kuya na nakasakay ko sa UV express kanina. Here are the details:
DATE: 02/12/2020
TIME: 10:18pm - 10:20pm
LOCATION: Tiendesitas, Ortigas C5
UV PLATE NUMBER: AAA 9451
PAALALA: MAGBASA MABUTI BAGO KUMUDA SA COMMENTS SECTION, AT PARA 'DI BUMAGSAK SA READING COMPREHENSION. KUNG NAKA-FREE FB KA, PA-LOAD KA MUNA.
I THOUGHT ABOUT THIS ISSUE HUNDREDS OF TIMES BEFORE POSTING IT. I said what I said, I meant what I said, and I said what I meant. PERIODT.
-----------------------
From our house, ako na yung last passenger para mapuno yung UV express (biyaheng Crossing Ilalim). Bandang Rosario Pasig na ako nagbayad nung nakababa yung isa sa mga nakaupo sa row ko (2nd row), kasi lumuwag na yung seats at nakadukot na ako sa bag ko. Nung nag-abot ako ng bayad, I already noticed Ate Girl (1st row) na galit sa pagdaklot ng pera ko, but I just ignored her kasi at least inabot nya, LOL
Few minutes after, may passenger (sa row ko ulit, window seat) na bababa sa Transcom/Tiendesitas, so nagbabaan na naman kami para makadaan yung passenger. Yung guy sa 1st row (the victim, door seat) is kelangan din umusog para makadaan kami since yung sandalan ng inuupuan nya is medyo nakaharang sa way ng bababaan. (Try to picture the scenario as much as you can to have a better understanding).
So eto na nga, pagsara ni Kuya Victim ng pinto, the girl asked Kuya Victim if he has problems with her kasi kanina pa daw sya tinitignan. Here's how it goes (some of it are nonverbatim)
GIRL: ano bang problema mo? kanina ka pa ah. naiilang ako sayo, tingin ka ng tingin sakin.
VICTIM: ha? ano? hindi kita inaano wala akong ginagawa sayo.
THEN THE GIRL WENT HYSTERICAL. Sinampal nya ng malutong si Kuya, then hampas sa braso (they were in front of me so kita ko talaga lahat ng nangyari).
GIRL: Putangina mo kanina ka pa naiilang ako sayo bumaba ka dito! Babayaran ko toh, bumaba ka!
KUYA: wala akong ginagawang masama sayo!
GIRL: Putangina mo papatayin kita dito! Bumaba ka!
THAT WAS THE PART WHERE I RECORDED THE SCENE. Please watch the video nalang kung anong ending.
I am doing this para mabigyan ng hustisya si Kuya, at lahat ng kalalakihan na hindi maipagtanggol yung mga sarili nila sa ganitong situation because "lalake" sila. I didn't see Kuya touch her, not even a flinch. Kahit sinampal, hinampas, at sinapak nya ng makailang beses, hindi sya pinatulan. Naaawa ako kay Kuya kasi nung lilipat na sana sya sa tabi ko (I asked him to just sit beside me) pagbaba nya, tinulak pa sya ni girl at muntik pa masubsob. She gave him the dirty finger. Itsura ni Kuya? Pormal ho. Naka eyeglasses. Parang papasok palang sa trabaho. Whole trip ng UV express, nakayakap sya sa bag nya (he was in front of me).
I can say that he's the "victim" because no one deserves to be hit in public kung wala ka namang ginagawang masama. Kung meron man talaga syang ginawa sayo Ate, does it give you any right to physically hurt him? Dahil babae tayo, hindi tayo mapatulan because they are not protected ng law natin. It was a clear PHYSICAL ASSAULT. Also, the Public Safety is at risk sa mga taong katulad mo na dinadala yung init ng ulo anywhere. Naka-perwisyo ka pa ng tao. If he did something bad, why did you let him get away? Pinababa mo ng sasakyan. Diba dapat niyaya mo sa Police Station, so that you can report him?
Also, you said PAPATAYIN KITA DITO. That's GRAVE THREAT Ate Girl. Another offense that is punishable by law. Kay Kuyang Victim, I hope matalungan ka nitong post ko kasi lahat kaming mga pasahero naawa talaga sayo, and we're willing to testify kasama na yung van driver (pagbaba po nung babae, pinagalitan ko yung van driver kung bakit iniwanan si kuya, and he explained na ayaw na nyang maabala pa yung ibang sakay and sobrang ingay na ni girl).
The second video is our recorded conversation with my co-passengers nung bumaba na si Ate Girl. As per katabi nya on her left side, pagsakay palang daw ni Ate Girl, nakasimangot na. Sa Binangonan daw yun sumakay.
Sayo Ate Girl na bumaba sa Strata Ortigas, kung may problema ka, wag mong dalhin sa kalye. Makakahanap ka din ng katapat mo. Pasalamat ka at hindi mo din ako inaway, kundi, malamang late ako sa trabaho ðŸ˜‚
PS: kay Kuya Victim, you can come forward to complain and you may use these videos as your proof. I hope that you'll seek justice sa nangyari sayo (kung inosente ka talaga sa bintang ni Ate Girl). Sorry din kung hindi kita nakuhanan masyado kasi nabigla ako, and nanginginig din yung kamay ko dahil sa tension between the two of you. Sana lumutang ka Kuya Victim at mag-message ka to ask for help, in case you need it.
-----------------------
UPDATE:
To clear things up, what she keeps on complaining about, is yung "tinitignan" sya ni Kuya. She repeatedly said it. She didn't mention any panghihipo or what, basta naiilang daw sya sa tingin. If she's indeed felt attacked or nabastos, binitbit sana nya sa Police Station. That's the wise move. Hindi ko hahayaan na makababa yung lalake kung binastos ako, derecho presinto.
However, like everyone else is saying, kung may mental health issue po si Ate Girl, we shouldn't attack her as well o sabihan ng BALIW, PRANING, ADIK etc. kasi we don't know what she's going through. Regardless, YOU SHOULD NOT HIT ANYONE PHYSICALLY unless minanyak ka talaga. Let's say nabastos talaga sya at tarantado yung lalake, what if may kutsilyo pala si Kuya at bigla syang inundayan ng saksak? What will she do? In reality, kung yun ang scenario, no one will save her dahil madadamay. We should be careful with our actions sa publiko to protect ourselves. Iwasan ang kaaway kung maiiwasan naman.



Credit to the owner of the Video and Photos 

No comments:

Post a Comment