Pages

Thursday, August 11, 2016

Baron Geisler Binanatan Si President Duterte at PNP Chief Bato - "Pakitang Gilas daw"


"Fight against drugs is a myth. It's been part of our economy and other great nations for centuries. Galing kasi talaga mag palusot ang pinoy. Reality check. Help educate people nalang rather than scaring them with useless things. Feed them.

Stop eradicating the helpless. Lend a helping hand!" - Baron Geisler

The Controversial Actor, known for its bad drinking habit strikes again the social media. Baron Geisler Shared his Thoughts and opinions about President Rodrigo Duterte And PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa.



 As Quoted: "Yung Maliliit na tao lang naman namamatay, Dapat Yung Puno ang habulin nyo!"


Wednesday, August 10, 2016

Scum Sa Kalusugan - Dr. Willy Ong



Kilala nyo ba si Dr. Willie Ong?, isang doctor sa Pilipinas na tumutulong sa mga mahihirap, napaka-bait ng Doctor na ito sa katunayan ay marami na siyang natulong at patuloy na tumutulong sa atin kapos palad na mamayan. Marahil ay hindi na niya kayang tiisin ang bulok na sistema sa kagawaran ng kalusugan kung kayat kanyang ibinahagi sa kanyang facebook post ang mga maling sistema na nagpapahirap sa atin mga kapos palad na mamayan, ang sistemang ito ay namana pa di umano sa nag-daan administrasyon Aquino. Narito ang kanyang pahayag basahin po natin at ishare upang maka-abot sa kaalaman ng ating butihin at mahal na Pangulong Duterte.


SCAM sa KALUSUGAN

Paki-SHARE para mabago Ng DUTERTE Government

KAWAWA talaga ang MAYSAKIT at MAHIRAP. Pera ng BAYAN sa Mayaman at Private Case Napunta.

Mula sa ISANG Government DOCTOR (Na ITINAGO natin ang PANGALAN)
Karamihan sa aking mga pasyente ay nangangailangan ng humigit-kumulang Php5000 kada araw para sa kanilang mga gamot. Nag-ti-tyaga silang pumila sa mga tanggapang maaaring hingan ng tulong kabilang na ang SENADO AT KONGRESO para sa PDAF/Pondo. Kadalasan, pinababalik pa sila makaraan ang ilang araw o ilang linggo para makuha ang hinihinging assistance. Php1000...Php2000.... Minsan nga Php300...Php500 lamang ang ibinibigay. Bihira lamang ang mas malaking halaga. Kaya nakalulungkot at nakakagalit isipin na kung sino pa ang talagang mga nangangailangan ay sila pang kakarampot lamang ang tinatamasa. Mayroon namang parang inilalaan lamang ang kanilang PDAF sa mga kamag-anak, kaibigan o kapartido sa pulitika! Iisang pasyente lang pero Php20,000, Php40,000, Php80,000 o higit pa.. Minsan buong bill pa ang sinasagot ng PDAF samantalang mga nasa pribadong duktor at magagarang kwarto ng ospital naman nakaadmit o nagkukonsulta!

Mayroon din naman na panay ang "Medical Mission" kuno, na ginagamit ang PDAF sa pagkuha ng mga gamot sa ospital.. Medical Mission daw pero puro Myra E, lesofat etc. ang mga kinukuhang gamot! Mayroon din namang tinitipid ang paggamit ng PDAF at kung kailang malapit na ang eleksyon ay saka ipapamudmod! Halatang-halata na ginagamit ito sa pagkuha ng boto!



Noong nakaraang 2014, pinalitan kuno ng administrasyong Aquino ang sistema ng pagamit ng pondo. Inilagay kunwari sa Department of Health Ang pondo ng mga senador at kongresista. Ang DOH na umano ang mamamahagi nito sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong. Isang MALAKING KASINUNGALINGAN po iyan. Dahil bagaman may tatak ng DOH ang mga guarantee letters na hawak ng mga pasyente, sa mga opisina pa din ng mga kongresista at senador ito nagmumula. At sila pa din ang may kontrol sa halagang ibibigay! Walang pinagbago! May halong pamumulitika pa din dahil tulad noon, mga mayayaman at private patients pa din ang may malalaking natatanggap samantalang kakarampot ang ibinibigay sa mga indigent patients!

Maaari nyo itong i-verify sa mga hospital na pinagdadalhan ng mga referrals or Guarantee letter tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney & Transplant Institute, Lung Center of the Philippines at iba pa. Etong mga ospital na ito ay may "charity or service wards" at private rooms. Malalaman nyo sa kanila na higit na nakikinabang ang mga pasyente na nasa private rooms/ suite at deluxe rooms sa mga pondong ito. Sila ang nagtatamasa ng malalaking halagang tulong kaysa sa mga nasa charity or service wards. Minsan nga ay naglalagay lamang ng pondo ang isang legislator dahil may magpapa-admit syang kakilala, kamag-anak o kaibigan. Isang gamit lang ng pondo nya, Ubos! Yan ang kalalakaran sa nakaraang administrasyong Aquino.


Kung hindi nais ng pamahalaan at ng mga mambabatas na buwagin ang PDAF, nararapat lamang na ito ay ilaan sa tunay na mga nangangailangan! Ibigay ito sa mga may sakit na walang kakayahang magpagamot! Sa mga mahihirap na walang kakayahang mag-aral! Sa mga walang tahanan! Sa mga walang trabaho at walang makain! Nawa ay mapagtuunan ito ng pansin ng Duterte administrasyon.



Source: Dr. Willie Ong's Health Tips





OUR CRIMINAL SYSTEM IS RIDICULOUSLY FUCKED UP.

Snatcher ang babae na ito
Sobrang na Dismaya si ate sa Batas natin sa Pilipinas kaya pala malakas loob ng mga snatcher ito ang kanyang post sa facebook inyong basahin.

August 5, 2016. 8:30 PM. Papunta ako ng office para sa meeting, sumakay ako ng jeep pacity hall. I was wearing headset ng bigla na lang akong sinipa ng katapat ko (yung babae sa picture). Dahil naka headset ako, I wasn't able to hear what she said. Akala ko nagstreching lang sya dahil she's pregnant at tinamaan lang nya ako by accident. Nasa pocket ng hoodie ko yung phone ko at nung pababa na binunot ko na yung headset then she suddenly jumped to me trying to snatch my phone and other belongings. At dahil palaban ang instinct ng ate nyo nakipagagawan ako sa kanya. Dahil sa buntis sya, more or less 7 to 8 months, medyo hirap na syang kumilos at naagaw ko agad ung phone at bag ko. Agad namang hininto ni manong driver yung jeep sa may enforcer. Akala ko tapos ng kalbaryo ko pero mas nakakainis pa pala yung mga susunod na mangyayari.

Medyo maraming enforcers around the area since choke point yun ng traffic so I started to feel safe pero nung nagrereklamo na 'ko at nagkukuwento na ng nangyari napansin ko na parang hindi ganun kaseryoso yung mga enforcers. They were asking irrelevant questions like miss san ka nakatira. May asawa ka na ba? Gano katagal ka na sa work mo? Anong oras shift mo and papasok ka pa ba? Like wtf sirs bat hindi pa kayo tumawag ng rerespondeng pulis. I started to get pissed off nung tinanong nila ako ng paulit ulit kung itutuloy ko raw bang sampahan ng kaso or kung patatawarin na lang. I was like 'hellloooo are you out of your mind people alangan namang nakikipagfriends lang ako kaya tumambay ako dito sa outpost nyo.' Si ate nagyosi pa. Nainip yata sa mga pulis. May bantay syang tatlong enforcer na nakikiyosi na rin. Anak ng tokwa, nakipag tropa pa ata mga ugok. Finally, nagradyo na sila sa isang presinto para nagpadala ng police mobile. Pero wtf ulit! The incident happened around 8:30 and the mobile arrived after roughly two hours. I was thinking na kaladkarin na yung babae sa police station kasi it's causing too much hassle.

Nung dumating kami sa station 9 pakwento ulit ng nangyari after nun tinanong ako ng pulis kung itutuloy ko raw bang kasuhan. Sabi ko syempre oo. Mga 2 o 3 pulis nagtanong sakin sa station 9 at srsly hindi ko maintindihan kung ano gusto nilang mangyari sa paulit ulit nilang pagtatanong. Gagawa na sana ako ng statement ng tinanong ulit ni manong pulis kung san yung exact place of incident. Sabi ko sa circle po gantong street blah blah moving po kasi yung jeep kaya estimated place lang po alam ko. Sabi nya, ay ma'am hindi po pala namin sakop yan. Lipat po kayo sa station 10. Napaputang ina na lang talaga ako dahil pati jurisdiction hindi kabisado nung mga nagradyo sa presinto. So sakay nanaman kami sa mobile nung babae. Balak ata nila manong pulis na gawin kaming close e.

Sa station 10 tinanong ulit ako ng 2 pulis kung sure na itutuloy ko yung pagsasampa ng kaso. Sabi ko oo. Nagpaabala na ko e iaatras ko pa ba. May attitude rin si ateng snatcher kasi sabi ko ate d ka na nahiya buntis ka pa. Ipakukulong talaga kita. Sabi nya HINDI AKO TAKOT. Pinamedical si ateng snatcher maybe because buntis sya. At tinanong nila kung may kalmot daw ba ko and all sabi ko wala naman. Hindi nya ko nasaktan except sa pagkakasipa niya. Hindi naman pala kasi libre yung medical e snatcher nga si ate sa kanya ko pa ba pababayaran. Naiwan ako sa police station para gumawa ng sworn statement habang si ateng snatcher pinamedical. After more or less one hour, tumawag yung pulis na nagescort kay ateng snatcher, hindi daw maimemedical kasi ayaw tanggapin ng ospital ng walang pangalan e ayaw daw talagang magsalita ng info nya. Sobrang naasar lang ako sa imbestigador kasi tinanong nya anong model at magkano cellphone ko. Sabi ko Asus Zenfone 2 po blah blah bigla nyang sinabi Ma'am kailangan pong isurrender sakin yung phone as evidence. Sabi ko, Sir kasi yung bag ko rin po kinuha nya kasama rin po ba yun. Sabi nya, yung bag po pwede nyo na pong iuwi pero kung cellphone po iiwan po saka kung sinubukan rin pong kunin yung wallet nyo pati po yung laman and cash iiwan po. Kelangan po kasing picturan na kita yung serial number blah blah. Daming sinabi ni manong at ngayon ko lang nagets bakit ilang pulis nagtanong kung itutuloy ko. Kasi sobraaaaang abala! Parang naholdap na rin ako sa presinto kung itutuloy ko kasi kukunin rin pala. Tinanong ko kung kelan makukuha ulit kasi decided talaga akong kasuhan si ateng snatcher sabi nya (pulis) after po ng mga hearing and all, it would take a year or two. Pwede rin pong irequest sa judge na sa inyo mapupunta custody ng cellphone pero ilang linggo pa po yun. Juicecolored! Sa tagal ng justice system sa Pinas baka obsolete na cellphone ko hindi ko pa nababawi e wala pang isang taon 'to. Bigla nya akong tinanong ulit kung itutuloy ko pa. Napasecond thought na 'ko. Being a graduate of PolSci mahalaga sakin ang hustisya. Naniniwala ako na kaya nandyan ang batas para maparusahan ang may sala at hindi parang eskwelahan na paghaharapin lang sa guidance office e okay na. Kaya pala nasabi ni ateng snatcher na hindi sya takot kasi alam nya na ganto yung mangyayari. Walang tao ang maguubos ng ilang buwan o taon para lang umattend ng hearing at isurrender ang pinaghirapan nilang cell phone at pera.

Sa huli umuwi ako, pumirma ako na hindi ko na sya sasampahan ng kaso. Bitbit ko yung sinumpaan kong salaysay, ito sana yung gagamitin sa inquest pero dahil umatras na 'ko baka sa paper shredder lang to mauwi. Kinuha ko na lang para remembrance at supporting document para sa absence ko. No strings attached na kami. Makakapagsnatch na sya ulit. At pupusta ako 90% ganto nanaman scenario. Makakalaya lang sya for the nth time. Sorry Pilipinas, gusto ko mang bawasan kahit isa ang masasamang loob na nagkalat, ikenat. Ilang lunch ang tinipid ko at ilang taxi ang pinalampas ko para makatipid ako para makabili ng cell phone. This may not be as expensive as iphone or other models pero para sa bread winner ka gaya ko, mas maraming responsibilidad ang pinaglalaanan ng sweldo ko kesa bumili ng bagong phone. Nabawi ko naman lahat ng gamit ko, sabi nung mga pulis at enforcers hindi na masama pero habang pauwi ako naiiyak ako sa inis. Pakiramdam ko natalo ako na ipagtanggol yung hustisyang para sakin at sa iba pang biktima. Nayurakan ng pulpol na sistema yung batas natin.




Source: Facebook Post of Juenesse Myrtle

Tuesday, August 9, 2016

Duterte to CJ Sereno: Would you rather I declare martial law?



President Rodrigo Duterte on Tuesday raised the possibility of declaring martial law if the judiciary will get in the way of his ongoing war against illegal drugs.

Duterte made the remarks after Chief Justice Maria Lourdes Sereno wrote him a letter as regards the seven judges that Duterte named in his list of alleged coddlers of drug dealers.

Sereno had said that the judges Duterte tagged in drug trafficking should not surrender to law enforcers unless there were warrants for their arrest



"Ikaw ang kingpin sa judiciary. Ako, presidente. Ako may trabaho, ikaw wala. Walang mga judges na nagpa-patrol ng daan. Walang mga sheriff ninyo na naghuhuli," Duterte said in yet another speech before government troops, this time in Camp Evangelista in Cagayan De Oro City
.
"Yan ang mabigat na problema ko... Hindi ako gago. If this continues, pigilan mo ako, o di sige... Or would you rather that I declare martial law?" he added.

‘Don’t create a crisis’

Duterte said many have suffered because of the proliferation of illegal drugs in the country.
"Pinapatay ang mga Pilipino. I grieve for the so many women raped, men killed, infants raped, tapos ipitin mo ako? I have to clean," Duterte said.

Duterte also raised the possibility of ordering members of the executive branch to ignore the orders of the judiciary.

"Do not create a crisis because I will order everyone in the Executive Department not to honor you," Duterte said.

Duterte also took a swipe at President Benigno Aquino III and the past administration.

"There was a slaughter going on. And mind you, you were appointed by the government there in your office as Chief Justice at that time na walang ginawa ang gobyerno," Duterte said.

‘Protectors of constitutional rights’

In a letter, Sereno told Duterte that she had advised judges against making themselves "physically accountable" if there were no warrants issued for their arrest.

"To safeguard the role of the judges as the protectors of constitutional rights, I would caution them very strongly against 'surrendering' or making themselves physically accountable to any police officer in the absence of any duly-issued warrant of arrest that is pending," Sereno told Duterte.

But the President argued that issuing warrants of arrest to all drug personalities would be next to impossible given the inefficiencies in the justice system.

"I have my oath. I will honor the Constitution. I will defend the Constitution to achieve--huwag ka maghanap ng--do not create a conflict there," the President said.

Constitutional war

"Pag dumating panahon, we go to a crossroads. You decide. Di ako sunod diyan and please, please, please, please, do not create a confrontation, a constitutional war. Talo tayo lahat," he added.

Sereno said she found Duterte's pronouncement premature, fearing this may affect render the concerned judge "useless" in discharging his or her duties.

"Thus, this Court has been careful, all too aware that more often than not, a good reputation is the primary badge of credibility and the only legacy that many of our judges can leave behind," Sereno said.

#Change is Coming #DuterteCares

Source: http://www.gmanetwork.com



Tanong ni Senator Bam Aquino bayani nga ba si dating Presidenti Marcos?

Napanood nyo ba ang interview ni Senator Bam Aquino? Hindi daw bayani ang Dating Presidenti Ferdinand Marcos? Kung sila ang tatanungin diba? yun ang kanilang isasagot maganda siguro kung ang tanongin natin ay yun mga mamayan at sigurado ako ang isasagot nila OO Bayani si Presidenti Marcos sa dami kanyang nagawa para sa bayan at hindi para sa mga mamayayaman ha. hanggang ngayon ay napapakinabangan pa rin ng mahihirap na mamamayan. Kami naman ang magatatanong ngayon si Ninoy ba ay Bayani? Ibenenta ang Saba sa malaysia at ang inyong mga lolo ay naging HUKBALAHAP sa panahon ng mga Hapon. ganyan ang lahi nyo dibali na mapahamak ang mga Filipino basta kayo ay ligtas. Mula sa inyong mga Lolo at hanggang ngayon ang Lahi nyo ay pahirap sa mga Filipino.
Sana Senator Bam Aquino you are Partner of Change.

Netizen mahal na mahal ang Dating Presedenti Marcos

Usap-usapan sa nga ngayon ang paglilibing sa dating presidente Ferdinand Marcos at syempre sa mga naglalabasan sa medya ay Bias na pagbabalita kung kayat ang mga Netizen todo ang pag-tatanggol sa kanilang mahal na pangulo. narito ang ilan sa mga komento ng atin mga kababayan sa facebook post ng TV5.

Vietnamese assistance - DA Secretary Manny Piñol


MODERN FARMING TECHNOLOGY

GIVES HOPE TO ONION FARMERS

A new technology in bulb onion farming developed in Vietnam may finally help the Philippines achieve self-sufficiency in the important kitchen ingredient and end the country's dependence on importation.

The new onion farming technology developed by Vietnamese farmers in the Mekong Delta where about 7,000 hectares is devoted to the production of this high value commodity will allow the Filipino onion farmer to harvest three times a year.

Onion farmers in the Philippines harvest only once a year because they use seeds in planting and it would take about six months before the crops are ready for harvesting. Also, most onion farms in Luzon are actually rainfed rice farms which are planted to bulb onion during the dry season when water is not available.

Lee Duc Suy, a young Vietnamese entrepreneur whose family owns VietGrow, one of the biggest vegetable seeds producer and fertilizer manufacturer in Vietnam, said the new technology uses onion tubers as planting materials, instead of seeds.

The onion tubers, which are as big as a thumb and initially grown in a nursery, could be harvested after two months thus allowing the farmer to harvest as much as three to four times a year. Lee, who visited the country recently and accompanied me on an inspection of a demonstration farm for onion farming in North Cotabato last Saturday. Lee said the process starts with the intensive seeding of bulb onion seeds in a nursery area.


When the bulb onions have grown to thumb-size, these are harvested and replanted to the propagation area at a ratio of one ton per hectare.

The excess planting materials could be kept for as long as eight months thus giving the farmer the leeway to plant again as soon as he harvests the first crop.

This new onion farming technology, Lee said, gives the farmer a yield of between 12 to 15 metric tons per hectare which at a farm gate price of P60 per kilo would earn the farmer between P720,000 to P900,000 per harvest.

The cost per hectare is estimated at P250,000, including fertilization and farm development. At that cost, the farmer stands to earn a net profit of P470,000 to P650,000 per hectare per harvest.

I have allowed VietGrow and its local Filipino partner to set up demonstration farms in North Cotabato, Southern Leyte, Nueva Ecija, Isabela, Ilocos Norte and Mindoro. Should the demo farms produce positive results, this would mean the end of the days when Filipino onion farmers are at the mercy of imported and smuggled onions.

‪#‎Changeishere‬! ‪#‎PresRodyCares‬! ‪#‎DuterteDelivers‬!

Source: By Manny Piñol Facebook post