MANILA - Sumuko na sa Philippine
National Police (PNP) si Cerilo Athel Acala, ang umano'y drug lord ng probinsya
ng Quezon.
Si Alcala ay kapatid nina
dating Agriculture Secretary Proseso Alcala at Quezon Rep. Kulit Alcala.
Dakong alas-3 ng hapon ng
dumating si Athel sa tanggapan ng PNP sa Lucena, kasama ang pamangking si
Lucena Mayor Roderick Alcala.
Nakikipag-usap pa si Athel
kay Lucena police chief Supt. Dennis de Leon, hanggang dakong alas-4 ng hapon.
Inaasahang haharap sa press
conference si Athel matapos ang naturang pulong.
Noong nakaraang linggo,
ipinag-utos ni Mayor Alcala sa pulisya ang pagdakip sa kanyang tiyuhing
idinadawit sa iligal na droga.
Source: ABS-CBN
No comments:
Post a Comment